Ang bigas ay buhay!
Sinasalamin ng mga katagang ito na ang bigas ay napakahalaga sa
ating buhay. Ang bigas ay matatagpuan sa mahigit isang daang bansa
at ito ay pangunahing pagkain ng mahigit 40% ng populasyon ng mundo.
|
Pagkaraan ng sampung taong pagpapatupad (1995-2005) sa mga di-pantay
na patakaran ng World Trade Organization o WTO, kitang-kita ang
paglala ng kahirapan ng mga maliliit na magsasaka, manggagawa,
mamimili at iba pang mga mahihirap na sector sa ating lipunan.
|